…Wistful Thinking…
January 13, 2010I’m a little frustrated at this very moment… hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyayari sa pagiging ‘writer’ ko… Nakakainis dahil hangga ngayon ay hindi pa rin ako makapagpasa ng kahit ano sa PHR knowning na may natapos naman akong gawa. Hay hindi ko alam, naiinis ako sa self ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko, but one thing is for sure, I love writing, pero kung ano ang gusto ko talagang gawin ay hindi ko alam.
Kanina, habang nasa tindahan ako, naisip ko, ano ba talaga? Willing ba akong ipursue ang pagsusulat ko o hahayaan ko na lang siya? Since hobby lang naman siya eh, but i want to share my work to everybody. Naiinggit ako sa ibang kasabayan ko sa workshop na nagawa nang makapagpasa at hindi lang iyon, nagawa na ring makapagpublish.
Talagang matatawag mo na silang writer, habang ako eh wala man lang kahit isa. Nag-apply nga sa trabaho puro tatawagan naman ang sasabihin sa akin, nakakawalang gana na… Hahahaha… naiinis ako na hindi ko maintindihan. Nakakairita ang sarili ko ngayon, kahit ang may katawan ay naiinis dahil sa tinatakbo ng isip ko.
Katulad ngayon, I am too busy writing another manuscript, kapag natapos ay hindi ko alam kung ipapasa ko ba siya or what? baka kasi mamaya ay hindi na naman bumalik sa akin ang ginawa ko katulad ng nauna. Ayos lang sana na mareject siya or marevision eh, ang problema kasi eh hindi na bumalik sa akin ‘yung gawa ko.
Enough na nga sa pagsesentimyento ko… Gagawin ko na lang ang alam kong kaya kong gawin at iyon ay ang tapusin ang manuscript. Siguro nga tama si Tinne, hindi ko pa time para maging writer at hindi pa siguro ako hinog para sa ganung klaseng trabaho. Maybe in time, and i hope it’s soon, ay maging katulad ako ni JM or SK… ang taas eh, But honestly, I really wanted to write in english kung hindi man ay gusto kong maging writer ng soap…


