Home » Post Item » Caleb’s Story
"It's easy to look at people and make quick judgments about them, their present and their past, but you'd be amazed at the pain and tears a single smile hides. What a person shows to the world is only one tiny facet of the iceberg hidden from sight. And more often then not, it's lined with cracks and scars that go all the way to the foundation of their soul." -ACHERON

Caleb’s Story

August 19, 2009

This would be the start of Caleb’s story… Sorry guys, i am just making a note for myself so i wouldn’t forget it… Wala pa rin kasi akong maisip na magiging kapareha ni Caleb so nakahang pa rin siya hangga ngayon…

 

“Damn it!” narinig nilang sigaw ni Caleb mula sa loob ng locker room.
Nang matapos ang ensayo nila Caleb ay dali-dali silang sumunod sa binata. Halata sa kilos at mukha nito ang galit sa nangyari kaninang karera.
Kahit sila Kyrian na nanonood lang ay kababakasan rin ng galit at pagkainis dahil sa naging resulta ng laban. Alam niyang patas lang ang ginawa ni Jaden na laban pero para kanila JL ay hindi tama ang ginawa nito.
Lumalabas kasing iniinsulto ng binata ang kakayahan ni Caleb pagdating sa larangan ng larong iyon.
“Damn it!” muling sigaw ni Caleb na naabutan nilang ibinato ang hawak na riding gloves at inis na sinipa ang bench na nasa harapan nito.
“Caleb,” tawag ni Cyril sa binata.
Ilang beses itong nagbuntong hininga bago humarap sa kanila. “Sorry about that,” anito at naupo sa bench habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.
“Are you okay?” tanong ni Cyril dito.
Sa nakikita niya ay walang ibang pwedeng kumausap dito ng maayos kundi si Cyril. Halata sa dalawa ang pagiging malapit sa isa’t isa na para bang magkapatid ang mga ito.
Kahit naman sila ni Angela ay ganun kung minsan kaya naiintindihan niya ang mga ito.
Si Cyril lamang ang nakakaintindi kay Caleb sa mga ito at matagal nang magkasama ang dalawa kaya alam ng bawat isa ang takbo ng utak ng isa.
“What did he say?” lakas loob niyang tanong ng mapansing walang may balak magsalita.
Alam niyang iyon ang gustong malaman ng mga kasama niya kaya siya na ang naglakas loob na magtanong dito.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat, ang buong akala niya ay hindi na ito sasagot pero nabaling ang kanilang atensiyon sa binata ng marinig ang tinig nito.
“He told me na walang mangyayari sa akin sa competition kung sa simpleng strategy na ginawa niya ay natalo ako. He can see that I have a potential pero walang silbi ang potensiyal na iyon kung hindi ko kayang basahin ang simpleng galaw ng kalaban at kung hindi ako seryoso sa ginagawa ko. Damn!” anito sa kanila.
“Hindi mo nakita ang ginawa niya?”
“Of course I saw it!” asik nito sa kanya.
Napapiksi siya sa lakas ng boses nito, kahit sila Scarlette na nakatayo lamang doon ay hindi napigilang mapalayo sa binata.
“Caleb, you’re scaring the girls,” saway ni Cyril dito na marahang hinimas ang likod ng binata.
Muli itong nagbuntong hininga upang kalmahin ang sarili. “I can see what he’s planning. Lahat ng ginagawa niya ay pinag-aaralan ko pero sa tuwing naglalaban kaming dalawa ay walang nangyayari sa lahat ng iyon. Na para bang alam niya ang lahat ng kilos at ikikilos ko para matalo siya sa laro!” he said through clenched teeth.
“Maybe he’s just challenging you all.” Aniya sa mahinang tinig ngunit sapat upang makuha ang atensiyon ng kanyang mga kasama. Nagpatuloy siya. “Sa nakikikita ko kasi ay kailangan ninyo ng tulak upang magpursigi sa ginagawa. Hindi naman sa kinakampihan ko siya ha, iyon lang kasi ang nakikita ko. Jaden is not your competition, Caleb, and I know you want to beat him in a race. Pero iyon ang paraan niya upang magpursigi kang gawin ang lahat ng makakaya mo. And horse racing is not about strategy, it’s all about speed. You have to be one with your horse in order to surpass him the next time you compete with each other.” Mahabang niyang pahayag.
Hindi naiwasang mag-init ang kanyang mukha ng makitang nasa kanya ang buong atensiyon ng kanyang mga kasama. “O…kay,” aniya. “I’ve got to change.” Aniya sa mga ito at akmang lalabas na ng locker room ngunit hinarangan siya ni Scarlette sa kanyang daraanan.
“Are you sure you never compete in a horse racing?”
“Yes. Why?” alanganin niyang tugon dito.
“Paano mo nalaman ang lahat ng sinabi mo kanina?” amuse nitong tanong. Halata sa mukha nito na pinipigilan ang sariling mapabulalas ng tawa habang nakatingin sa kanya.
“Oh, drat it, Scarlette, huwag mo akong pagtawanan. Sinabi ko lang ang observation ko kanina sa laro nila ni Jaden.” Aniya dito.
“So pinanood mo ang laro nila kanina?” tanong ni JL.
Marahan siyang tumango. “Hindi ako naglalaro ng larong iyon Oo pero gusto kong nanonood noon. Naisip ko lang ang mga sinabi kong iyon dahil iyon ang nakita ko. Caleb want to beat Jaden, that’s his only thought while racing. Hindi niya inisip ang kahit ano dahil si Jaden ang nasa isip niya, masyadong malakas ang urge niyang talunin si Jaden kesa sa manalo siya.”
“Hindi ba pareho lang iyon?” tanong ni Jessica.
Marahang siyang umiling. “I don’t think so. Kung gusto mong manalo, kahit anong gawin mo o kahit gaano pa kalakas ang kalaban mo if your passion to win is strong, mananalo ka. But if you’re just doing this just to beat Jaden, then hindi ka na sana naglaro. You have to put your heart and mind in a sport, Caleb, hindi lang dapat mind ang nandoon.” Pagtatapos niya sa sinasabi bago lumabas ng locker room.

Posted by cameronsantadeleones at 4:54 pm | permalink