Caleb’s Story
August 19, 2009This would be the start of Caleb’s story… Sorry guys, i am just making a note for myself so i wouldn’t forget it… Wala pa rin kasi akong maisip na magiging kapareha ni Caleb so nakahang pa rin siya hangga ngayon…
“Damn it!” narinig nilang sigaw ni Caleb mula sa loob ng locker room.
Nang matapos ang ensayo nila Caleb ay dali-dali silang sumunod sa binata. Halata sa kilos at mukha nito ang galit sa nangyari kaninang karera.
Kahit sila Kyrian na nanonood lang ay kababakasan rin ng galit at pagkainis dahil sa naging resulta ng laban. Alam niyang patas lang ang ginawa ni Jaden na laban pero para kanila JL ay hindi tama ang ginawa nito.
Lumalabas kasing iniinsulto ng binata ang kakayahan ni Caleb pagdating sa larangan ng larong iyon.
“Damn it!” muling sigaw ni Caleb na naabutan nilang ibinato ang hawak na riding gloves at inis na sinipa ang bench na nasa harapan nito.
“Caleb,” tawag ni Cyril sa binata.
Ilang beses itong nagbuntong hininga bago humarap sa kanila. “Sorry about that,” anito at naupo sa bench habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.
“Are you okay?” tanong ni Cyril dito.
Sa nakikita niya ay walang ibang pwedeng kumausap dito ng maayos kundi si Cyril. Halata sa dalawa ang pagiging malapit sa isa’t isa na para bang magkapatid ang mga ito.
Kahit naman sila ni Angela ay ganun kung minsan kaya naiintindihan niya ang mga ito.
Si Cyril lamang ang nakakaintindi kay Caleb sa mga ito at matagal nang magkasama ang dalawa kaya alam ng bawat isa ang takbo ng utak ng isa.
“What did he say?” lakas loob niyang tanong ng mapansing walang may balak magsalita.
Alam niyang iyon ang gustong malaman ng mga kasama niya kaya siya na ang naglakas loob na magtanong dito.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat, ang buong akala niya ay hindi na ito sasagot pero nabaling ang kanilang atensiyon sa binata ng marinig ang tinig nito.
“He told me na walang mangyayari sa akin sa competition kung sa simpleng strategy na ginawa niya ay natalo ako. He can see that I have a potential pero walang silbi ang potensiyal na iyon kung hindi ko kayang basahin ang simpleng galaw ng kalaban at kung hindi ako seryoso sa ginagawa ko. Damn!” anito sa kanila.
“Hindi mo nakita ang ginawa niya?”
“Of course I saw it!” asik nito sa kanya.
Napapiksi siya sa lakas ng boses nito, kahit sila Scarlette na nakatayo lamang doon ay hindi napigilang mapalayo sa binata.
“Caleb, you’re scaring the girls,” saway ni Cyril dito na marahang hinimas ang likod ng binata.
Muli itong nagbuntong hininga upang kalmahin ang sarili. “I can see what he’s planning. Lahat ng ginagawa niya ay pinag-aaralan ko pero sa tuwing naglalaban kaming dalawa ay walang nangyayari sa lahat ng iyon. Na para bang alam niya ang lahat ng kilos at ikikilos ko para matalo siya sa laro!” he said through clenched teeth.
“Maybe he’s just challenging you all.” Aniya sa mahinang tinig ngunit sapat upang makuha ang atensiyon ng kanyang mga kasama. Nagpatuloy siya. “Sa nakikikita ko kasi ay kailangan ninyo ng tulak upang magpursigi sa ginagawa. Hindi naman sa kinakampihan ko siya ha, iyon lang kasi ang nakikita ko. Jaden is not your competition, Caleb, and I know you want to beat him in a race. Pero iyon ang paraan niya upang magpursigi kang gawin ang lahat ng makakaya mo. And horse racing is not about strategy, it’s all about speed. You have to be one with your horse in order to surpass him the next time you compete with each other.” Mahabang niyang pahayag.
Hindi naiwasang mag-init ang kanyang mukha ng makitang nasa kanya ang buong atensiyon ng kanyang mga kasama. “O…kay,” aniya. “I’ve got to change.” Aniya sa mga ito at akmang lalabas na ng locker room ngunit hinarangan siya ni Scarlette sa kanyang daraanan.
“Are you sure you never compete in a horse racing?”
“Yes. Why?” alanganin niyang tugon dito.
“Paano mo nalaman ang lahat ng sinabi mo kanina?” amuse nitong tanong. Halata sa mukha nito na pinipigilan ang sariling mapabulalas ng tawa habang nakatingin sa kanya.
“Oh, drat it, Scarlette, huwag mo akong pagtawanan. Sinabi ko lang ang observation ko kanina sa laro nila ni Jaden.” Aniya dito.
“So pinanood mo ang laro nila kanina?” tanong ni JL.
Marahan siyang tumango. “Hindi ako naglalaro ng larong iyon Oo pero gusto kong nanonood noon. Naisip ko lang ang mga sinabi kong iyon dahil iyon ang nakita ko. Caleb want to beat Jaden, that’s his only thought while racing. Hindi niya inisip ang kahit ano dahil si Jaden ang nasa isip niya, masyadong malakas ang urge niyang talunin si Jaden kesa sa manalo siya.”
“Hindi ba pareho lang iyon?” tanong ni Jessica.
Marahang siyang umiling. “I don’t think so. Kung gusto mong manalo, kahit anong gawin mo o kahit gaano pa kalakas ang kalaban mo if your passion to win is strong, mananalo ka. But if you’re just doing this just to beat Jaden, then hindi ka na sana naglaro. You have to put your heart and mind in a sport, Caleb, hindi lang dapat mind ang nandoon.” Pagtatapos niya sa sinasabi bago lumabas ng locker room.
In the afternoon sun… ^_~
Just finish my bonding session with my kafatid (Gleta)… We went to Harrison Plaza for our lunch. Sa Chowking namin napiling kumain at dahil tagtipid kami… ung mura lang ang binili naming dalawa… Dapat sa Mcdo eh buti na lang hindi namin nakita ang Mcdo. Hahahahahaha!
After lunch we went to… ehem… MANILA ZOO! for our real bonding… hahahahaha! Grabe, ilang linggo na namin pinaplano ang Zoo na iyon mabuti na lang at natupad na siya ngayon. And imagine din ha… at this age nasa Manila Zoo ako ulit and i really did enjoy every minute of it.
Ang dami kong pics ng mga animals sa zoo pero mas maganda ang mga copy na nasa fone ni kafatid. Malabo kasi ang mga kuha ko pero siguro pwede na siyang pagtiyagaan once na malipat na sa laptop ko mamaya.
Una naming nakita eh ung Elephant… pinapaliguan… at nakanganga siya ah… natuwa sa spray ng tubig. Sad dahil wala na ang Giraffe… Pinatay na nila ang tatay ko Mamoy… :’( Enweiz… ayos lang iyon. Hindi naman siya naging ama sa akin eh… There’s also the Hippo, kaya lang ayaw niyang umalis sa tubig. Nakatunog ata na dumating ang kapatid na bunso ni Liezl at ang anak mong bunso kaya lumublob siya. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya ‘no. Feeling niya ang guwapo niya…
There’s a tiger.. kaya lang walang lion… tapos ang layo pa ng tiger at ang iba ay nagtatago. Natuwa ako sa isang tiger na nakita ko dahil talagang nilingon niya ang mga police ata iyong nag-e-exercise kanina doon. Sinundan talaga niya ng tingin hanggang sa makalagpas ang mga iyon sa kulungan.
This next stop namin ni Kafatid ang talagang ikinatuwa ko… Grabe… I’ve finally met kafatid’s family! Sayang at hindi ako nakakuha ng Family pictures nila dahil nashy si kafatid eh, umalis sa tabi nila Tito and Tita…
Ang haba ng mga cages doon at puro monkey lang ang laman. Meron doong isang monkey na nakakalabas ng cage niya. Nakatunog ata na dumating na ang isa nilang kapamilya kaya lumabas siya, pero hindi naman sila nakaharap dahil bumalik din agad ang family na iyon na sa loob ng cage niya. Si Kafatid naman ayaw pang mamili ng magiging room niya, marami nang vacant iyon. (Peace kafatid!).
I love the Japanese Red-faced moneky… Hindi pula ang mukha nila… Pink hahahahahahaha! In fairness may relation pa rin sa pula…
and then their butts… hahahahaha! No comment na ako. Baka mamaya ay sabihin ni kafatid na nilalapastangan ko ang family niya. Behave na ako kafatid!
Next sa mga reptiles… ang dami doon… Cobra, Python, Lizards… etc… may mga pictures din doon. Snakes are so lazy… nasa isang pwesto lang sila at nakahiga lang din. The last window na sinilip namin ay magkapatong ang dalawang Python. Hindi pa ako sigurado doon dahil dalawang ulo lang naman ang nakita ko. Siguro tama din iyon considering na length of the said snake.
Next the cages of the birds… na hindi ko naman masyadong naenjoy… So we really have to go back there kafatid! Pero i like the owl and the raven… (was it raven in english). Ung uwak (ito na nga lang ang gamitin ko) ang itim talaga ng feather niya and i like it. The first bird na nakita namin ay para siyang kuwago and i like his/her white feathers. Ang kintab katulad na lang ng sa Uwak.
Oh, i almost forgot… ‘Yung parang raccoon ang itsura na animal. Ang cute niya… Tapos ‘yung nasa gitnang cage na itim din… Palawan something cat ang name niya… Hindi ko sure. Kaya lang ang baso ng cage niya. Tapos ang likot pa niya, kapag kukuhanan mo ng litrato hindi siya mapirmi sa isang lugar lang. Like ko pa naman magstay sa tapat ng cage niya kaya lang… umm… and lakas loob na rin akong magtanong kung anong name niya nakalimutan ko naman…Hindi ko sure kung naalala ni Kafatid iyon… hahahahahaha!
Hindi natuloy ang pagbabangka namin dahil dalawa lang kami… kaya next na iyon…
After that, nagpahinga lang kami sandali bago lumabas ng zoo, balik kami sa H. Plaza para bumili ng Zagu. Nakabili din naman kami and then after noon ay umiwi na… Naghiwalay na kaming dalawa may Taft. And for sure na mauulit iyon, kasaya ng trip sa Zoo… I miss it…
The last time kasi na nagpunta ako eh December pa ata ng 2007… hindi ko matandaan… Worth it ang araw ngayon..
Enjoy kahit kapagod… Thanks Kafatid!
Xiao!


