July 21, 2009
Alessandro Leon Navarro Fortalejo
and
Yelena
First time i read this one is noong time na narelease siya. I grab a copy agad nito because it’s the story of my brother…
I was so
excited when i got this copy at binalutan ko siya agad (Hindi kasi ako sanay magbasa ng libro ng walang cover… ang arte ko!) After magkaroon ng balot, higa agad ako sa kama and start reading the novel.
I was so engross reading it and didn’t bother kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. I love the second book. Kasi doon na nagkaroon ng linaw at nalaman ng lahat na Si Xander is the long lost heir of the Fortalejo and Navarro. At the beginning of the novel ipinakita doon kung gaano kamayan ang pamilya niya. Nang basahin ko siya ulit recently ay doon ko lang naalala na ang bukod sa Alta Tierra and Paso De Blas ay may islang pagmamay-ari talaga nila Poppa and Momma. I can’t believe it slipped to my mind! hay…
And the room ng mga anak nila sa tatlong isla? The description is so awesome. The wealth is there, pamper sa materyal na bagay and also the Love na ibinibigay ng mga magulang kay Alessandro.
Ang saya ko nun kasi the revelation was there and Cameron was so happy knowing that Xander is her brother kahit na may nararamdaman siya noon for him. And thank god at maagang nalaman ni Xander na kapatid niya si Cameron. I can’t forget the happiness and the longing na naramdaman ni Poppa Zandro and Momma Jenny when they saw Xander at nalaman nilang ito ang nawawalang si Alessandro. OMG! grabe ang pagbuhos ng mga emosyon… ano ba ang akala ninyo… for almost 20 years ay nawala ang panganay na inakalang matagal nang patay and then all of a sudden ay malalamang buhay ito at isa sa matalik na kaibigan ni Cameron. And Alessandro really is Cam’s big brother kahit noon pa, dahil inalagaan at binantayan niya ito kahit sa malayo.
Sa unang pagbabasa ko nito ay hindi ko binasa ng tuluyan ang book 3 because when I scan it, it’s more on the struggle of Xander and Yelena’s. Hindi nabigyan ng emphasise ang love story nila though na pahapyaw na nababanggit ang tungkol sa kanilang dalawa doon sa past two books. Pero naging visible ang pagsasama nilang dalawa in book 3 so hindi masyadong naipakita ang ‘alone time’ nilang dalawa sa mga scenes ng libro sa kubuan ng kwento. Mas o menos ang appearance nilang dalawa dahil talaga itinutok ang kwento ni Alessandro sa pagkawala, ang buhay niya matapos ang kidnapping, ng makatakas siya kay Hestercita at ang pagtatagpo nila muli ng kanyang pamilya. Though along the way ay nabanggit na may nangyari at namagitan sa kanila ng heroine, that’s it.
Sa book 3 ng kwento ay nag-away, sinundan and trouble sa mga humahabol kay Xander ang naging kwento. And then while on the struggle scene ng book 3, biglang nagpropose ng kasal. Wala lang… iyon lang ang tingin ko. Nabitin ako sa kwento nila though i love the story dahil doon nasagot ang lahat ng tanong sa kwento ni Cameron. Mas maganda ang mga naunang book ng KRISTINE SERIES na talagang kilig to the max ang kwento. Unlike this book, it’s more on answering question… (parang sinabi ko na siya sa itaas) enweiz… Iyon na un…
I like Yelena… She’s the only friend Cameron let’s in. Parang si Xander. Isa si Yelena sa namumukod tanging babaeng pinapasok ni Xander sa buhay and eventually became his wife. Xoxal!
I love the exchange of words sa pagitan ni TEN and JACK… two of Alessandro’s bodyguards. Nagstand out silang dalawa. Though mapapansin din si LUIS and DANIEL. I love Daniel stance after the ambush sa bahay nila YELENA. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya, well what do you expect sa isang SEAL AGENT.
I LOVE SEALS! Especially BRAD SANTA DE LEONES!
So, iyon na ung review ko kung may sense man siyang maitatawag… Susunod kong basahin ay a ng kwentong sinundan nito… BRAD SANTA DE LEONES! wooohoo! I love BRAD!
Xiao!
Just Cameron!