Home
"It's easy to look at people and make quick judgments about them, their present and their past, but you'd be amazed at the pain and tears a single smile hides. What a person shows to the world is only one tiny facet of the iceberg hidden from sight. And more often then not, it's lined with cracks and scars that go all the way to the foundation of their soul." -ACHERON

New Update

June 27, 2010

Its been quite awhile since my last up… really quite awhile. I was too busy with my studiesnow and I am currently enrolled on this very first semester, bukod pa doon ay abala pa ako sa pagsusulat ko. I already started four stories. Brothers actually, i am inspired by Phury and Zsadist’s story on the Black Dagger Brotherhood kaya nabuo ang concept na iyon. 

 

Gusto ko sana ‘yung parang brotherhood eh kaya lang parang imposibleng bumenta iyon kung sakali at saka paano ko siya gagawin? Eh mostly naman ng mga fantasy-adventure na sinusulat ko eh puro copy lang naman ng mga nababasa ko.

 

But I’ll try to write on my own, as a matter of fact, may sinisimulan na nga ako eh… mahaba na iyon actually kung hindi lang nasira ang laptop noon at iyon ang nakakainis. Anyway, ako na ang bahala doon, gagawan natin siya ng paraan para mabuo ulit iyon at mas maganda pa. =) 

Posted by cameronsantadeleones at 7:57 pm | permalink | View this entry

…Wistful Thinking…

January 13, 2010

I’m a little frustrated at this very moment… hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyayari sa pagiging ‘writer’ ko… Nakakainis dahil hangga ngayon ay hindi pa rin ako makapagpasa ng kahit ano sa PHR knowning na may natapos naman akong gawa. Hay hindi ko alam, naiinis ako sa self ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko, but one thing is for sure, I love writing, pero kung ano ang gusto ko talagang gawin ay hindi ko alam.

Kanina, habang nasa tindahan ako, naisip ko, ano ba talaga? Willing ba akong ipursue ang pagsusulat ko o hahayaan ko na lang siya? Since hobby lang naman siya eh, but i want to share my work to everybody. Naiinggit ako sa ibang kasabayan ko sa workshop na nagawa nang makapagpasa at hindi lang iyon, nagawa na ring makapagpublish.

Talagang matatawag mo na silang writer, habang ako eh wala man lang kahit isa. Nag-apply nga sa trabaho puro tatawagan naman ang sasabihin sa akin, nakakawalang gana na… Hahahaha… naiinis ako na hindi ko maintindihan. Nakakairita ang sarili ko ngayon, kahit ang may katawan ay naiinis dahil sa tinatakbo ng isip ko.

Katulad ngayon, I am too busy writing another manuscript, kapag natapos ay hindi ko alam kung ipapasa ko ba siya or what? baka kasi mamaya ay hindi na naman bumalik sa akin ang ginawa ko katulad ng nauna. Ayos lang sana na mareject siya or marevision eh, ang problema kasi eh hindi na bumalik sa akin ‘yung gawa ko.

Enough na nga sa pagsesentimyento ko… Gagawin ko na lang ang alam kong kaya kong gawin at iyon ay ang tapusin ang manuscript. Siguro nga tama si Tinne, hindi ko pa time para maging writer at hindi pa siguro ako hinog para sa ganung klaseng trabaho. Maybe in time, and i hope it’s soon, ay maging katulad ako ni JM or SK… ang taas eh, But honestly, I really wanted to write in english kung hindi man ay gusto kong maging writer ng soap… :)  

Posted by cameronsantadeleones at 8:32 pm | permalink | View this entry

Scarlette and Kyrian

December 22, 2009

I’m a little frustrated because I can’t continue this (Scarlette and Kyrian) story… Nahihirapan ako na para bang ang taas ng level niya… hahahaha… though maraming idea na pumapasok sa akin, the middle, the ending… the flow of the story ay nagkahalo-halo na sa isip ko. 

Naiinis na ako dahil sobrang tagal ko na siyang ginagawa at gusto ko na rin namang masundan ang chapter na nakapost sa Library… Feeling ko ang tagal na talaga niyang nastuck sa akin at nakakafrustrate. Pero hindi naman tamang iyon ang maging dahilan ko para lang tapusin ang kwento dahil that’s bad. Dapat ay matapos ko siya dahil iyon ang gusto ko hindi dahil iyon ang dapat. 

Just like in writing a Manuscript. Hangga ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung ipapasa ko ba siya dahil hindi ako confident pagdating sa may last part. It’s good but not that good… I want it to be perfect kahit na mahirap. So I’m doing y best para lang matapos ang part na iyon.

I’m planning to erase some scenes at kapag ginawa ko iyon ay talagang magbabago ang takbo ng kwento… Posibleng humaba siya o kaya ay talagang magbago ang takbo niya. Pero kung iyon ang magiging way para gumanda ang kwento ay bakit hindi… :) Willing to sacrifice and to try that one…

 

Xiao… :)

Posted by cameronsantadeleones at 1:34 pm | permalink | View this entry

…Change of Plans…

October 29, 2009

Post ko dito before ang dapat na simula ng kwento ni Caleb. But because of the ideas that’s coming to me, nagbago ang planong iyon… Kahit ang kwento ni Scarlette ay nagbago talaga siya kesa sa original plan namin ni Kafatid noon. Oh… may partner na rin pala si Caleb and I love her name… :) It’s Daphne Moira… Cutie siya… wala pa kasing girlash na may name na nagsisimula sa ‘D’ kaya iyon ang kinuha ko. Naalala ko tuloy si Liezl:)

Kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano ko ilalagay ang mga ideang nagawa ko nang ilagay noon sa kanila. Gusto ko pa naman ‘yung mga idea kaya kailangan ko siyang ipasok sa kwento… Kung hindi man ay baka ipost ko pa rin siya pero wala na siyang kinalaman sa tinatakbo ng kwentong iyon. Sana lang ay magawa ko siya.

Ang tagal ko na rin kasing ginagawa ang kwento ni Scarlette at Kyrian pero hindi siya magawang matapos. Hangga ngayon ay chapter three pa rin ako sana naman ay masimulan ko na siyang maipost. Hay. Naiinis na talaga ako. Magawa ko pa kaya siya lalo na ngayon ay magtatrabaho ako kung sakali.

Good luck naman talaga sa akin. But kaya ko siya. In love ako sa mga character ko at in due time ay darating din sa akin ang inspiration para sa pagsusulat ng kani-kanilang kwento. Basta ang mahalaga at dapat kong magawa ay ang matapos ko ang kwento ni Jaden and Lana dahil ang dalawang ito ang talagang mahal ko sa buong series. Kahit na unang nabuo sa isip ko si Royce at Angela. :)

Posted by cameronsantadeleones at 7:27 pm | permalink | View this entry

Caleb’s Story

August 19, 2009

This would be the start of Caleb’s story… Sorry guys, i am just making a note for myself so i wouldn’t forget it… Wala pa rin kasi akong maisip na magiging kapareha ni Caleb so nakahang pa rin siya hangga ngayon…

 

“Damn it!” narinig nilang sigaw ni Caleb mula sa loob ng locker room.
Nang matapos ang ensayo nila Caleb ay dali-dali silang sumunod sa binata. Halata sa kilos at mukha nito ang galit sa nangyari kaninang karera.
Kahit sila Kyrian na nanonood lang ay kababakasan rin ng galit at pagkainis dahil sa naging resulta ng laban. Alam niyang patas lang ang ginawa ni Jaden na laban pero para kanila JL ay hindi tama ang ginawa nito.
Lumalabas kasing iniinsulto ng binata ang kakayahan ni Caleb pagdating sa larangan ng larong iyon.
“Damn it!” muling sigaw ni Caleb na naabutan nilang ibinato ang hawak na riding gloves at inis na sinipa ang bench na nasa harapan nito.
“Caleb,” tawag ni Cyril sa binata.
Ilang beses itong nagbuntong hininga bago humarap sa kanila. “Sorry about that,” anito at naupo sa bench habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.
“Are you okay?” tanong ni Cyril dito.
Sa nakikita niya ay walang ibang pwedeng kumausap dito ng maayos kundi si Cyril. Halata sa dalawa ang pagiging malapit sa isa’t isa na para bang magkapatid ang mga ito.
Kahit naman sila ni Angela ay ganun kung minsan kaya naiintindihan niya ang mga ito.
Si Cyril lamang ang nakakaintindi kay Caleb sa mga ito at matagal nang magkasama ang dalawa kaya alam ng bawat isa ang takbo ng utak ng isa.
“What did he say?” lakas loob niyang tanong ng mapansing walang may balak magsalita.
Alam niyang iyon ang gustong malaman ng mga kasama niya kaya siya na ang naglakas loob na magtanong dito.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat, ang buong akala niya ay hindi na ito sasagot pero nabaling ang kanilang atensiyon sa binata ng marinig ang tinig nito.
“He told me na walang mangyayari sa akin sa competition kung sa simpleng strategy na ginawa niya ay natalo ako. He can see that I have a potential pero walang silbi ang potensiyal na iyon kung hindi ko kayang basahin ang simpleng galaw ng kalaban at kung hindi ako seryoso sa ginagawa ko. Damn!” anito sa kanila.
“Hindi mo nakita ang ginawa niya?”
“Of course I saw it!” asik nito sa kanya.
Napapiksi siya sa lakas ng boses nito, kahit sila Scarlette na nakatayo lamang doon ay hindi napigilang mapalayo sa binata.
“Caleb, you’re scaring the girls,” saway ni Cyril dito na marahang hinimas ang likod ng binata.
Muli itong nagbuntong hininga upang kalmahin ang sarili. “I can see what he’s planning. Lahat ng ginagawa niya ay pinag-aaralan ko pero sa tuwing naglalaban kaming dalawa ay walang nangyayari sa lahat ng iyon. Na para bang alam niya ang lahat ng kilos at ikikilos ko para matalo siya sa laro!” he said through clenched teeth.
“Maybe he’s just challenging you all.” Aniya sa mahinang tinig ngunit sapat upang makuha ang atensiyon ng kanyang mga kasama. Nagpatuloy siya. “Sa nakikikita ko kasi ay kailangan ninyo ng tulak upang magpursigi sa ginagawa. Hindi naman sa kinakampihan ko siya ha, iyon lang kasi ang nakikita ko. Jaden is not your competition, Caleb, and I know you want to beat him in a race. Pero iyon ang paraan niya upang magpursigi kang gawin ang lahat ng makakaya mo. And horse racing is not about strategy, it’s all about speed. You have to be one with your horse in order to surpass him the next time you compete with each other.” Mahabang niyang pahayag.
Hindi naiwasang mag-init ang kanyang mukha ng makitang nasa kanya ang buong atensiyon ng kanyang mga kasama. “O…kay,” aniya. “I’ve got to change.” Aniya sa mga ito at akmang lalabas na ng locker room ngunit hinarangan siya ni Scarlette sa kanyang daraanan.
“Are you sure you never compete in a horse racing?”
“Yes. Why?” alanganin niyang tugon dito.
“Paano mo nalaman ang lahat ng sinabi mo kanina?” amuse nitong tanong. Halata sa mukha nito na pinipigilan ang sariling mapabulalas ng tawa habang nakatingin sa kanya.
“Oh, drat it, Scarlette, huwag mo akong pagtawanan. Sinabi ko lang ang observation ko kanina sa laro nila ni Jaden.” Aniya dito.
“So pinanood mo ang laro nila kanina?” tanong ni JL.
Marahan siyang tumango. “Hindi ako naglalaro ng larong iyon Oo pero gusto kong nanonood noon. Naisip ko lang ang mga sinabi kong iyon dahil iyon ang nakita ko. Caleb want to beat Jaden, that’s his only thought while racing. Hindi niya inisip ang kahit ano dahil si Jaden ang nasa isip niya, masyadong malakas ang urge niyang talunin si Jaden kesa sa manalo siya.”
“Hindi ba pareho lang iyon?” tanong ni Jessica.
Marahang siyang umiling. “I don’t think so. Kung gusto mong manalo, kahit anong gawin mo o kahit gaano pa kalakas ang kalaban mo if your passion to win is strong, mananalo ka. But if you’re just doing this just to beat Jaden, then hindi ka na sana naglaro. You have to put your heart and mind in a sport, Caleb, hindi lang dapat mind ang nandoon.” Pagtatapos niya sa sinasabi bago lumabas ng locker room.

Posted by cameronsantadeleones at 4:54 pm | permalink | View this entry